^

PM Sports

Catalan planong maging pro golfer

Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos ang kanyang panalo sa Philippine Golf Foun­dation Junior Masters sa Alabang GCC sa Mun­tinlupa, plano ni John Catalan na umakyat sa professio­nal ranks sa susunod na taon.

Sinabi ni Catalan, nagwagi sa Class A division ng 15-17 years old category, na balak niyang sumali sa ma­raming amateur tournaments ngayong taon bago lu­mahok sa Qualifying School  para maging pro golfer sa susunod na taon.

Tinalo ni Catalan si Harry Sytiongsa via playoffs sa 20th hole nang isalpak ang isang 6-foot birdie putt para ku­nin ang titulo.

Ang nasabing panalo ni Catalan ay pinanood ng kan­yang amang si Malabon/Navotas Chief Prosecutor Jorge “Jun” Catalan Jr. at kapatid na babaeng si Jenine.

Isang incoming sophomore nursing student sa University of Santo Tomas, nakakuha si Catalan ng tiket sa Junior Masters nang mamayani sa qualifying tourna­ment noong nakaraang buwan sa Camp John Hay Golf Course sa Baguio City.

Umabante naman si Catalan sa semifinal ng Match Play matapos talunin si Janzen Morilla.

 

BAGUIO CITY

CAMP JOHN HAY GOLF COURSE

CATALAN

CATALAN JR.

CLASS A

HARRY SYTIONGSA

JANZEN MORILLA

JOHN CATALAN

JUNIOR MASTERS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with