Gilas II patuloy ang ensayo

MANILA, Philippines - Bagama’t kulang ay masaya pa rin si head coach Chot Reyes sa patuloy na pag-eensayo ng Gilas Pilipinas II.

 Ang darating na 2013 FIBA-Asia Men’s Championships na nakatakda sa Agosto 1-11 sa MOA Arena sa Pasay City ang siyang pinaghahandaan ng Nationals.

Ito ang siyang qualifying tournament para sa 2014 FIBA World Men’s Championships sa Spain.

“With 67 days left, we treasure every minute we can play together, maski kulang, tuloy pa rin,” sabi ni Reyes sa kanyang Twitter account.

Pinasalamatan din ni Reyes sina Arwind Santos at Denok Miranda ng Petron Blaze na palagiang sumisipot sa kanilang ensayo.

Ang mga nasa training pool ay sina 6’11 natura­lized cager Marcus Douthit, Jun Mar Fajardo, Greg Slaughter, Japeth Aguilar, Ranidel de Ocampo, Gary David, Jeff Chan, Larry Fonacier, Jimmy Alapag, LA Tenorio, Jayson Castro, Gabe Norwood at Marc Pingris.

Samantala, inangkin nina Kobe Paras, Arvin Tolentino, Thirdy Ravena at Paolo Romero ang korona sa FIBA-Asia 3x3 U18 Championship for Boys and Girls na idinaos sa Bangkok, Thailand.

 

Show comments