MANILA, Philippines - Matapos mabigo sa kanilang unang dalawang pagÂhaharap, tinalo ni Rosalyn Esguerra si double-gold meÂdal winner Janeth Escallona sa women’s touring kaÂyak 500-meter event sa 2013 PSC-POC National Games kahapon sa Manila Bay.
Nagposte ang 14-anyos na si Esguerra ng tiyempong 3:25.93 upang pitasin ang gintong medalya.
“Masayang-masaya talaga ako kasi tinalo siya,†sabi ni Esguerra, isang grade six student ng San Juan Elementary School at tubong Palanas, Masbate kay EsÂcallona.
Si Escallona ang tumalo kay Esguerra sa 5,000m touÂring kayak at dragon boat tandem events.
Nagtala si Escallona ng sumegundang 3:42.11 para sa silver medal kasunod si Noelle Wenceslao, isang dating Mount Everest climber, na kinuha ang bronze sa kanyang oras na 3:58.26.
Kinuha naman ni Regie Palatao ang kanyang ikalawang gold medal nang talunin ang kambal na sina Edward at Edgar Galang sa men’s touring 500-m kayak.
Nagtala si Palatao ng bilis na 2:44.71 para unahan sina Edward (2:53.14) at Edgar Galang (2:54.29) sa gold medal.
Si Palatao na tubong Madella, Quirino Province ay huminto sa pag-aaral sa kolehiyo dahil sa kahirapan.
Sa tennis event sa Rizal Memorial Tennis Center, giniba ni AJ Lim si Juan Gabriel Peña, 6-2, 6-1, patuÂngo sa quarterfinals kasama sina Johnny Arcilla, PJ TierÂro at Marc Reyes.
Isang walkover win ang nakuha ni Arcilla kay JaiÂme Aguilar, habang tinalo ni Tierro si Jarryd ManduÂriao, 6-1, 6-0, at iginupo ni Reyes si Jose Nicholas CaÂno, 6-1, 6-0.
Nakatakda namang pakawalan ngayon ang cycling event, inilipat sa Tarlac mula sa Las Piñas, hanggang sa Mayo 30.