MANILA, Philippines - Nagkaroon ng workouts ang mga draft-prospect para masilip ng mga teams ang mga players na nag-aambisyong makalaro sa NBA.
Isa na dito si DJ Stephens ng University of Memphis na nagtala ng record na 46-inch vertical leap, ayon kay Chad Ford.
Ang naturang lundag ay ginawa ni Stephens sa kanyang pagwo-work out sa Brooklyn Nets.
Ito ang pinakamataas na naiposte sa kasaysayan ng NBA. Ang dating pinakamataas na lundag ay itinala ni Kenny Gregory na naglista ng 45.5 inches noong 2001.
Kamakailan sa draft season, lumundag si Shane Larkin ng 44 inches.
Sina Michael Jordan at LeBron James ay parehong may 44-inch range.