Matensiyon ang sagupaang Miami at Indiana

MIAMI – Noong nakaraang taon nang magharap ang Miami at ang Indiana sa postseason, nagkaroon ng mga sugatan, flagrant fouls, technical fouls at sen-yasan ng gilit-leeg na idinirekta kay LeBron James.

Muling mauulit ito sa banggaan ng Heat at Pa-cers sa Eastern Conference Finals na sisimulan sa Miyerkules.

Nagsimula na noong Sabado ang iringan ng dalawang koponan nang tawagin ni Pacers coach Frank Vogel ang reigning champion na Heat na “just the next team that’s in our way.’’

Minasama ito ng Miami.

“We’re a great team,’’ sabi ni James, ang Heat forward na kumuha sa NBA MVP award sa ikaapat na pagkakataon. “We’re very confident. We’ll be ready for them. If we’re just another team, you don’t prepare, you really don’t prepare for just another team. We’re not just another team. You have to prepare for us.’’

Sa nakaraang Heat-Pacers series, nasugatan sina Dwyane Wade at Udonis Haslem.

Tinarget ni Haslem si Tyler Hansbrough bilang ganti sa ibinigay nitong hard foul kay Wade.

 

Show comments