Prangkisa ng Kings mananatili sa Sacramento

SACRAMENTO, Calif. -- Inihayag ni Sacramento mayor Kevin Johnson na napirmahan na ang kasundu­an para sa pagbebenta ng Maloof family sa Kings team kay software billionaire Vivek Ranadive.

Ito ay matapos bumoto ang NBA Board of Governors ng 22-8 na nagbasura sa tangkang pagbebenta ng pa­milyang Maloof sa isang grupo na balak ilipat ang prangkisa sa Seattle.

“This was one heck of a comeback,” sabi ni Johnson, isang dating All-Star point guard, sa mga Kings fans.

Ang prangkisa ay nagkakahalaga ng $523 milyon.

Bibilhin ni Ranadive, nilimas ang kanyang minori­ty ownership sa Golden State Warriors, ang 65 porsiyen­to ng Kings mula sa Maloof family.

Naglagak ang kanyang grupo ng $341 milyon para ma­selyuhan ang kasunduan.

“It’s a new era today,” wika ni Johnson na sinamahan ng mga politicians, local team investors at suppor­ters para mapanatili sa Sacramento ang prangkisa.

“We know it’s about a team, yes, but it’s about jobs, it’s about revitalizing our downtown community, it’s about civic pride,” dagdag pa nito.

Susunod na ihahayag ay ang isang stadium project.

Si Ranadive ang magiging unang team owner sa NBA na may lahing Indian.

Kasama niya sa ownership group sina dating Facebook executive Chris Kelly, 24-Hour Fitness Founder Mark Mastrov, ang Jacobs Family na nagpapatakbo ng Qualcomm communications company at si Raj Bhathal, may-ari ng Raj Manufacturing at dating may-ari ng World Football League team sa Orlando.

 

Show comments