^

PM Sports

Ginebra pipiliting makapuwersa ng Game 4: Sweep tangka ng Alaska Aces

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tanging ang Crispa at Purefoods, kapwa gi­na­bayan ni legenda­ry head coach Virgilio ‘Ba­by’ Dalupan, ang dalawang koponang nakabangon mula sa isang 0-2 pagkakabaon sa isang best-of-five title series matapos balikan ang Toyota at Alaska no­ong 1976 at 1990 Third Con­ference, ayon sa pag­ka­kasunod.

Ito ang siyang pipili­ting gayahin ng Barangay Ginebra sa kanilang pagsagupa sa Alaska ngayong alas-7:30 ng gabi sa Game Three ng kanilang best-of-five titular showdown pa­ra sa 2013 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

“Ang hirap. Ang ganda din kasi ng ginagawa nila,” sabi ni Gin Kings’ pointguard LA Tenorio sa Aces. “Ang dami pa ni­lang player. Ang bilis ng pa­lit nila. Ilang players ba ang double figures nila? Eh last game pito. Iyon ang key sa kanila, kaya fresh sila.”

Ayon kay Tenorio, pi­pilitin nilang makuha ang Game Three para ma­ka­puwersa ng Game Four sa Miyerkules.

Pipilitin naman ng Alaska na kumpletuhin ang pagwalis sa Ginebra pa­tungo sa pagsikwat sa ka­nilang pang-14 PBA crown.

Hawak ng Aces, hu­ling nagkampeon noong 2012 PBA Fiesta Confe­rence, ang 2-0 bentahe la­ban sa Gin Kings.

Kinuha ng Alaska ang Game One, 87-70, at ang Game Two, 104-90, kontra sa Ginebra.

Sa kabila ng hawak na 2-0 bentahe sa kanilang serye, hindi pa rin kinakalimutan ni Trillo ang mga kayang gawin nina Tenorio, import Vernon Macklin, Jayjay Helterbrand at veteran Kerby Raymundo para sa Gin Kings.

“There’s a lot of res­pect we give to Tenorio, Macklin, Jayjay and Ker­by. Kaya sila (Ginebra) nandito ay dahil sa ka­nila,” wika ni Trillo, ha­ngad ang kanyang unang PBA title bilang isang head coach.

Ihahayag naman ang mananalo bilang Best Player of the Conference at Best Import (Bobby Parks Trophy) bago paka­walan ang Game Three.

Sina Tenorio ng Ginebra at rookie forward Calvin Abueva ang sinasabing mag-aagawan sa BPC award.

Sina Alaska reinforcement Robert Dozier at Macklin ng Gi­nebra ang naglalaban naman para sa Bobby Parks Trophy.

Samantala, pinagmulta ng PBA Commissioner’s Office si Gin Kings’ mentor Alfrancis Chua ng P10,000 dahil sa pag­papakita nito ng dirty finger sa mga fans ng Aces sa Game Two noong Biyernes sa MOA Arena sa Pasay City.

ALFRANCIS CHUA

BOBBY PARKS TROPHY

GAME

GAME THREE

GAME TWO

GIN KINGS

GINEBRA

SHY

TENORIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with