MANILA, Philippines - Iginupo ni Mikaela Vicencio si Mia So, 6-1, 6-0 habang pinabagsak ni Lourdez Pe si Denise Bernardo, 6-4, 6-3 upang makausad sa susunod na round ng girls12-under division sa Toby’s Sports-Prince Tennis Festival 2013 sa Rizal Memorial Tennis Center kahapon.
Pumasok din sa susunod na round sina Erika Claude Manalo na blinangko si Jillian Velasco, 6-0, 6-0 gayundin si Alexandra Eala na tumalo kay Minette Bentillo, 6-1, 6-0 at Blanche Lagrisola na nagtala ng 6-1, 6-2 panalo kay Anna Laura Demyer.
Nagtala naman sina Maxine Martin at Marie Beatrice de Ocampo ng walkover wins kontra kina Kryshana Brazal at Christy Sanosa, ayon sa pagkakasunod sa tournament na sponsored ng Toby’s Sports and Prince.
Sa girls 16-under division, iginupo ni Rafaela Villanueva si Frances Diana Viloria, 6-0, 6-1, pinabagsak ni Sophia Yap si Mae Ibaza Perez, 6-2, 6-2, pinasad-sad ni Frances Angela Santiago si Johanna Therese Capinpin, 6-2, 6-0 at naungusan ni Katrina Isabel Marie Peñaflor si Rose Angelie Ferolino, 7-5, 6-0.