Malaking premyo ang nakataya

MANILA, Philippines - May P140,000.00 prem­yo ang isinahog sa anim sa siyam na karerang paglalabanan para pa­siklabin ang pista sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite nga­yong gabi.

Ang pinakamalaking added prize na pinagtulu­ngang bunuin ng Philippine Racing Commission at ng Manila Jockey Club Inc. bilang bahagi ng Summer Racing Festi­val ay inilagay sa race 6 nang sahugan ito ng P40,000.00 premyo.

Ang mananalo ay magbibitbit ng P24,000.00, ha­bang ang papangalawa hang­gang papang-apat ay may pabuyang P9,000.00, P5,000.00 at P2,000.00.

Walong kabayo pero si­yam ang opisyal na bilang ng tatakbo at ang mga ito ay ang Getting Bet­ter (RC Bal­donido), Az­kal (RG Fernandez), Dan­cing Gisell (El Blan­ca­flor), Hyena (MA Al­va­rez) at coupled entry na Botbot (JB Hernandez), Dy San Diego (JPA Guce), Wait Ka lang (LT Cuadra), Money Queen (RM U­baldo) at Tritanic (JB Guce).

Sa hanay na ito, ang Bot­bo na gagabayan ni Jo­nathan Hernandez, ay ga­ling sa panalo noong Ma­yo 5 sa karerang pi­nag­labanan sa race track na pag-aari ng MJCI.

Ang tambalan ay na­nalo sa kabayong Sliotar sa 1,600-metrong karera at unang panalo ito ng Botbo sa hu­ling dalawang buwan.

 

Show comments