^

PM Sports

Bulls head coach pinagmulta ng $35,000

Pang-masa

CHICAGO -- Pinagmulta ng NBA si Chicago Bulls coach Tom Thibodeau ng halagang $35,000 dahil sa kanyang ginawang komento ukol sa pamamahala ng mga referees sa kabiguan ng Chicago Bulls sa Miami Heat sa Game 3 sa kanilang Eastern Confe­rence semifinals series.

Nadismaya si Thibodeau nang patalsikin sa laro si Nazr Mohammed matapos itulak si LeBron James sa sahig.

Inakusahan ng coach ang Heat superstar ng flopping.

Sinabi rin ni Thibodeau na hindi napapaboran sa tawagan ang mga Bulls sa nasabing laro.

Nakuha ng Heat ang Game 3 para iposte ang 2-1 bentahe sa kanilang serye.

Nakatakda ang Game 4 sa Lunes sa United Center.

CHICAGO BULLS

EASTERN CONFE

INAKUSAHAN

MIAMI HEAT

NADISMAYA

NAKATAKDA

NAZR MOHAMMED

THIBODEAU

TOM THIBODEAU

UNITED CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with