Gibson pinagmulta ng $25,000

CHICAGO – Pinagmulta ng NBA si Chicago Bulls forward Taj Gibson ng $25,000 nang sigaw-sigawan nito ang referee sa Game 2 ng Eastern Conference semifinals kontra sa Miami, ayon sa pahayag ng liga noong Biyernes.

Nakahinga ng maluwag si Gibson dahil hindi ganoon kabigat ang parusa.

“I knew I was going to get hit,’’ aniya. “I was just hoping it wasn’t a suspension, but I deserved (the fine).’’

Abot kamay na ng Heat ang 115-78 panalo nang pag-initan ni Gibson ang referee sa fourth quarter. May 10:13 minuto pa ang natitira, pinatalsik sa laro  si Gibson at ang kanyang teammate na si Joakim Noah ni referee    Scott Foster ngunit hindi agad lumabas ang una at sinigaw-sigawan ang game official.

Kinuha ng liga ang panig ni Gibson. “I overreacted. I could have handled it a little better.’’

Tinawagan ang Bulls ng anim na technicals sa naturang laro at tatlo sa Miami. Ito ang pinaka-lopsided postseason win para sa Mia-mi at pinakamasamang playoff loss ng Chicago.

Show comments