^

PM Sports

San Miguel Beermen tinungga ang pang-15 sunod na panalo sa ABL

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang tila walkout na senyales ni Sports Rev Thailand Slammers coach Joe Bryant ang mainit na tagpo sa larong dinomina uli ng San Miguel Beer para palawigin sa 15 sunod ang pagpapanalo sa ASEAN Bas­ketball Lea­gue (ABL) kagabi sa Yna­res Sports Arena sa Pasig City.

Tinawag ni Bryant ang kanyang manlalaro at pinaupo sa kanilang bench matapos hindi magustuhan ang isang  unsports­man­like foul na itinawag sa kanyang manlalaro sa puntong nakalayo na sa 71-51 ang Beermen.

Matapos ang ilang pa­liwanagan sa mga refe­rees, bumalik din ang Slam­mers at tinapos ang laro na kung saan nanaig ang tropa ni coach Leo Austria, 76-69.

Ito ang ika-18 panalo sa 21 laro ng Beermen na hinarap ang huling home game sa eliminasyon.

Nanguna sa host team si Asi Taulava sa kanyang 15 puntos at 12 rebounds.

Humugot si Taulava ng 9 puntos at 11 boards sa first half para itulak ang Beermen sa 38-27 kala­ma­ngan.

May 6 puntos ang 6-foot-10 Fil-Tongan sa ikat­long yugto at nakipag­tulungan kina Brian Wil­liams, Justin Williams at Leo Avenido para hawakan ng Beermen ang 61-42 kalamangan papasok sa huling yugto.

Tatapusin ng Beermen ang laro sa eliminasyon sa pagdayo sa Westports Ma­laysia Dragons sa Ma­yo 17.

May 30 puntos si Chris­tien Charles para sa Slam­mers na muling na­ka­pantay ang Singapore Slingers sa mahalagang ika­apat na puwesto.

Natalo ang Slingers sa kamay ng nagdedepen­sang Indonesia Warriors, 39-64, noong Biyernes.

ASI TAULAVA

BEERMEN

BRIAN WIL

INDONESIA WARRIORS

JOE BRYANT

JUSTIN WILLIAMS

LEO AUSTRIA

LEO AVENIDO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with