So pangalawa sa top junior chess players sa mundo

MANILA, Philippines - Pumuwesto si Filipino Grandmaster (GM) Wesley So sa No. 2 sa listahan ng FIDE junior chess pla­yers sa buong mundo.

 Ito ay mula na rin sa 2705 ELO rating ni So.

Ang top junior player ng mun­do ay si Anish Giri ng Netherlands na taglay ang ELO 2734 rating, habang ang top girl player ay si Hou Yifan (ELO 2617) ng China.

Sapat na rin ang nasa­bing ELO rating para ma­kasingit ang 19-anyos na si So sa No. 40 sa world men’s list.

Kasalukuyang katabla ng Webster University fresh­man na si So sa 39 hang­gang 41 place sina Ar­menian Vladimir Akopian at Ukrainian Anton Ko­robov.

Si Norway pride Magnus Carlsen ang patuloy na humahawak sa top position mula sa kanyang 2868 ELO points.

Si Judith Polgar (2696 ELO) ng Hungary ang bu­mabandera naman sa wo­man’s category.

 

Show comments