May carry over sa WTA ngayon
MANILA, Philippines - Iinit ang karera sa gabing ito sa bakuran ng Metro Turf Club sa Malvar, Batangas sa pagkakaroon ng carry-over sa Winner-Take-All.
Halagang P1,077,560.50 ang dagdag dibidendo sa WTA na magtitiyak ng paglago ng paglalabanang prem-yo na ikatutuwa ng bayang karerista.
May siyam na karera ang matutunghayan at dalawa rito ay paglalabanan sa 1,400-metro, dalawa rin ay nasa 1,200-metro at ang iba ay nasa 1,000-metro sprint.
Balansiyadong ipinorma ang lahat ng karerang paglalabanan at isa sa tututukan ay ang karera sa race eight na isang 3-Year Old Handicap race na inilagay sa 1,400-metro.
Pitong kabayo ang maglalaban-laban at mangu-nguna rito ay ang kabayong Pasaporte na sasakyan ni Mark Alvarez. Sariwa ang kabayo sa pagtakbo noong Mayo 2 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite at pumangalawa ang kabayo sa Santino’s Best.
Hindi malayong paboran ang kabayo sa laban pero makaaasa siyang bibigyan ng matinding hamon ng ibang kasali tulad ng Lady Marilyn na gagabayan ni JAA Guce at Kismet na sasakyan ni Roderick Hipolito.
Pumangalawa rin ang Lady Marilyn noong Mayo 2 habang noong Abril 5 nanalo ang Kismet.
Isa ring magtatangkang magpasiklab ay ang kaba-yong Magayonon na may dalawang panalo sa bagong race track na pag-aari ng Metro Manila Turf Club na naitala noong Abril 24 at Abril 30.
- Latest