^

PM Sports

Beasley iniimbestigahan

Pang-masa

SCOTTSDALE, Ariz.  – Iniimbestigahan ng Scottsdale police si Phoenix Suns forward Michael Beasley kaugnay sa diumano’y kasong sexual assault.

Ayon kay police spokesman Officer David Pubins, ang alegasyon ay may kinalaman sa insidente na nangyari noong Jan. 13.

Ayon kay Pubins, kinakausap pa isa-isa ang mga sangkot at naghahanap pa ng  physical evidence para matukoy kung nararapat na magsampa ng kaso.

Wala pang kongkretong detalye.

Walang sumagot sa mga tawag sa mga team officials  ng Phoenix at hindi rin agad nag-return call para sa komento nitong Martes.

Hindi rin malinaw kung si Beasley ay may abogado nang kumakatawan sa kanya.

Si Beasley ang pinakamalaking isdang nabingwit ng Phoenix noong 2012 offseason matapos pumirma ng three-year, $18 million contract.

Siya ang No. 2 overall pick noong 2008 draft.

Si Beasley ay nasangkot na rin sa gulo noon. Nahuli na rin siya sa kasong speeding, pagmamaneho kahit suspindido ang lisensiya, pagmamaneho ng walang license plate o registration.

ARIZ

AYON

BEASLEY

INIIMBESTIGAHAN

JAN

MICHAEL BEASLEY

NAHULI

OFFICER DAVID PUBINS

PHOENIX SUNS

PUBINS

SI BEASLEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with