NU Spikers tangka ang Final 4
MANILA, Philippines - Tangka ng mainit na National U na makuha ang unang ticket sa Final Four sa pakikipagharap sa mapanganib na La Salle-Dasmariñas sa Shakey’s V-League First Confe-rence sa The Arena sa San Juan City ngayon.
Iginupo ng Lady BullÂdogs ang Ateneo LaÂdy Eagles, 25-12, 25-17, 26-24, noong Linggo upang manatiling tanging walang talong koponan na nangunguna sa Group II sa kanilang 2.0 slate sa torneong ito na suportado ng Shakey’s na may kakaÂibang format.
Sinabi ni NU coach EdÂjet Mabayad na wala siÂyang planong magpabaya sa pakikipagharap sa La Salle-Dasmariñas laÂlabanan nila sa alas-4 ng haÂpon.
“Hindi kami titigil sa pagtratrabaho at ipagpapatuloy namin ang aming magandang laro. Hindi kami puwedeng magpabaya at mag-relax,†ani Mabayad.
Nakatuon naman ang laÂhat ng mata kay NU team captain Dindin Santiago na muling sasandaÂlan ng Jhocson-based school sa hangaring makapasok sa seÂmifinal round sapul noong 2011 First ConfeÂrence matapos mabigo sa AteÂneo sa tatlong laro.
Tangka namang bigyang buhay ng Perpetual Help ang kanilang humiÂhinang tsansa sa Final Four sa pakikipagharap sa San Sebastian sa isa pang laban sa alas-2 ng haÂpon.
Desidido ang Lady Altas, may 0-1 (win-loss) record, na i-sweep ang kaÂnilang huling dalawang laÂro para magkaroon ng tsansa sa playoff para sa semis slot.
Sa kabilang dako, waÂla nang ipinaglalaban pa kundi pride ang Lady Stags matapos mapatalsik sa kontensiyon sa pakikiÂpagharap sa Adamson Lady Falcons, 21-25, 20-25, 25-23, 23-25 noong nakaraang linggo.
- Latest