MANILA, Philippines - Hindi nagpaawat ang mga napaborang kabayo sa tatlong malalaking kaÂrera na nagpasigla sa seÂlebrasyon ng New Philippine Jockey Association Inc. noong Sabado sa SanÂta Ana Park sa Naic, CaÂvite.
Ang Unequalled ang lumabas na pinakamakinang na kabayo nang kuÂnin ang 7th NPJAI-PhilÂracom Cup Race na piÂnaglabanan sa 1,300 metrong distanÂsya at naggaÂwad ng P180,000.00.
Ang malilikom na peÂra sa karera ay itutulong sa mga disable jockeys.
Pinaboran ang nasabing kabayo dahil sariwa ito sa panalo noong Abril 28 sa nasabing race track na pinaglabanan sa mas maigsing 1,100 metro.
Pasunud-sunod ang tamÂbalan sa takbo na giÂnaÂwa ng Classical Bid at WinÂdy Hour bago nagpaÂramdam pagpasok sa huÂling kurbada.
Hindi na nagpaawat pa ang liyamadong kabayo at idinaan ni Cordova sa labas ang Unequalled para mas maluwag ang landas na tatahakin.
Dehado ang Windy Hour para mapasaya ang mga dehadista sa P560.00 dibidendo sa 9-3 forecast, haÂbang ang win ay may P8.50 dibidendo.