MANILA, Philippines - Nagpatuloy ang suÂwerte ng San Miguel Beer nang lagukin ang ika-13 suÂnod na panalo sa pamamagitan ng 70-66 paggupo sa Indonesia Warriors sa ASEAN BasketÂball League kagabi sa Ynares Sports Arena sa Pasig CiÂty.
Lumamang ng hanggang 17 puntos sa first half, 40-23, kinailangan ng Beermen ang dalawang free throws ni Asi TauÂlava sa huling 10 segundo para maigupo ang Warriors.
Sa 16-3 karta, selyado na ng tropa ni coach Leo Austria ang No. 1 seat at homecourt advantage sa kabuuan ng playoffs.
May 12 puntos si Taulava sa ilalim tig-15 na ginawa nina Brian Williams at Val Acuña.
Sa first half ibinuhos ni Acuña ang lahat ng puntos na nagmula sa 3-point line para agad na nakalayo ang home team.
Kampante sa ipinosÂteng 13 puntos, 65-52, sa kalagitnaan ng huling yugto, nag-init si Jerick Cañada at nagbagsak ng tatlong tres sa 14-2 palitan para ilapat ang nagdedepensang kampeon sa 66-67 agwat.
Napilitan si import Steve ThoÂmas na bigyan ng foul si Taulava na madaling hinarap ang pressure sa pagsalpak sa dalawang free throw.
Ikaanim na pagkatalo sa 19 laro ang nangyari sa Warriors na ibinandera ni Thomas sa kanyang 18 puntos at 15 boards.