Ellis babanderahan ang Slam Dunk event

DIGOS CITY, Philippines– Pipi­litin ni rookie Chris Ellis at Elmer Espiritu na ma­panatili sa Barangay Gi­nebra ang kampeonato sa Slam Dunk Contest na isa sa mga Skills events ng PBA All-Star Week at magaganap sa kapitol­yong siyudad na ito ng Da­vao del Sur.

Magsisimula sa ganap na alas-5 ng hapon sa Sports, Cultural at Business Center ng Davao del Sur, ang Slam Dunk Con­test, kung saan si Ellis ang pabo­ritong manalo, ay susunod sa Obstacle Chal­lenge at Three-Point Shootout at itatanghal ba­go ang laro ng Greats vs Stalwarts.

“I gotta try and live up to expectations,” pahayag ni Ellis tungkol sa isa sa mga pinaka-inaabangang event ng PBA All-Star Week kung saan bukod kay Espiritu ay makakalaban niya ang mga kapwa rookies na sina Cal­vin Abueva ng Alaska at Cliff Hodge ng Me­ralco at si Arwind Santos ng Petron Blaze.

Si KG Canaleta, habang nasa kampo pa ng Gi­nebra at bago na-trade sa Air21, ang nagwagi ng kanyang pang-limang Slam Dunk title noong isang taon sa Laoag, ay hin­di sumali ngayon.

Ang 6-foot-4 na si El­lis, ilang beses nang nangma­mangha ng mga fans sa kanyang mga dunks sa fastbreaks sa mga laro at warm-up round-robins ng Kings, ay maglalaro din sa Obs­tacle Challenge at bilang star­ter ng PBA All-Star se­lection na lalaban sa Gi­las Pi­lipinas sa Linggo sa taunang All-Star Game na magtatapos ng All-Star Week.

Hangad naman pareho nina Mark Macapagal at Jo­nas Villanueva ng Ba­rako Bull ang kanilang pang-apat na sunod na ko­rona sa Three-Point Shootout at Obs­tacle Chal­lenge skills events.

Ang mga susubok uma­gaw sa korona ni  Ma­capagal sa Three-Point Shootout ay sina Canaleta, James Yap ng San Mig Coffee, Josh Urbiztondo ng Ginebra, Marcio Lassiter ng Petron Blaze, Willie Miller ng Globalport, JVee Casio ng Alaska at rookie Chris Tiu ng Rain or Shine.

Bukod kay Ellis, ang mga makakalaban naman ni Vil­lanueva sa Obstacle Challenge ay sina Casio, Mil­ler, Hodge, Paul Lee ng Rain or Shine, Mark Bar­roca ng San Mig Coffee, Ronald Tubid ng Petron Blaze, Pamboy Raymundo ng Talk ‘N Text at rookie Simon Atkins ng Air21.

Ang mga kakatawan pa­ra sa PBA Greats vs Stal­warts Game ay sina Tu­bid, Tiu, Miller, Ma­ca­pagal, JC Intal ng Ba­rako Bull, Jervy Cruz ng Rain or Shine,  Alas­ka team manager Dic­kie Bach­mann at mga dating pla­yers na sina Kenneth Du­remdes, Bong Ravena, To­pex Ro­binson at Benjie Pa­ras pa­ra sa Stalwarts; at sina Mike Cortez ng Air21, Ur­biztondo, Peter June Si­mon at Joe De­vance ng San Mig Coffee at da­ting players na sina No­li Loc­sin, Johnedel Car­del, Rod­ney Santos, Vince Hi­zon, Jerry Codi­ñe­ra at Bong Hawkins pa­ra sa Greats.

Dahil 10 players lamang ang Greats, maaa­ring maglaro para sa ka­­nila si boxing legend Man­­ny Pacquiao na gustong maglaro.

Pero hanggang kaha­pon ay hin­di pa tumata­wag sa PBA ukol sa kanyang paglalaro.

 

Show comments