Umabot na sa P8,000 ang multang binayaran sa hindi pagsunod sa simpleng kautusan

MANILA, Philippines - Masusing ipinaiiral ang ilang simpleng kautusan sa tatlong karerahan sa bansa tulad ng pagda­ting ng mga hinete sa ta­mang oras at ang pagsunod sa tamang timbang na taglay kapag sumakay sa kanilang mga pangarerang kabayo.

Nasa walong libo na ang multang binayaran ng mga hinete na lumabag sa nasabing kautusang ito at pa­tuloy na minamatyagan ng pamunuan ang simpleng batas para matiyak na magiging maayos at pa­tuloy na makukuha ang pag­titiwala ng bayang ka­rerista na siyang buhay ng industriya.

Si RC Tanagon ang tu­manggap ng pinakama­laking  multa na nasa P2,000 nang umabot sa 600 gramo ang sobrang tim­bang niya matapos ga­bayan ang  kabayong Loud And Clear noong Ab­ril 18 sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.

Sa bakuran ng Santa Ana Park sa Naic, Cavite, ang mga hineteng sina Mark Alvarez at Jan Alvin Guce ay pinagmulta ng tig-P1,000 dahil nahuli sa dapat na nilahukang karera noong Abril 19.

Sina MS Lambojo, Dan Camañero, GA Rivera at JG Espinosa ang mga nagmulta ng tig-P1,000 sa karerang ginawa sa San La­zaro Leisure Park sa Car­mona, Cavite.

Sina Lambojo, Rivera at Camañero ay napata­wan ng multa dahil sa pagiging overweight.

Nahuli naman sa oras ng takbo si Espinosa.

Bukod dito ay patuloy ang masusing pagsipat sa maling pagdadala ng ka­bayo ng mga hinete na nagiging dahilan para matalo ang mga ito.

Sina jockey RV Brady at CM Tamano ay nasuspindi ng 24 racing days dahil sa 'lack of interest' na maipanalo ang mga ka­bayo.

Sa kabayong Vergara ay suspindido si Brady.

At sa kabayong Highway Builder ay nagbayad na­man si Tamano ng mul­ta.

 

Show comments