TORONTO -- Ang pananatili ng Kings sa Sacramento ay maaaring maging bahagi ng pagpili ni dating coach Phil Jackson sa Toronto.
Determinado ang Raptors na makuha ang serbisyo ng dating Chicago Bulls at Los Angeles Lakers coach para sa Toronto bilang bago nilang presidente, wika ng sources sa ESPN.com.
Inirekomenda sa owners’ committee noong Lunes ang pananatili ng Kings sa Sacramento imbes na ibenta ito sa Chris Hansen-led group kasunod ang paglipat sa Seattle.
Aalukin ni Hansen si Jackson na pamahalaan ang Seattle franchise kagaya ng ginagawa ni Pat Riley sa Miami Heat.
Sa pagkawala ng nasabing posibilidad, nararamdaÂman ng Raptors na malaki ang kanilang tsansa na maÂkuha si Jackson dahil na rin sa pagiging matalik na kaiÂbigan ni Tim Leiweke.
Inihayag noong nakaraang linggo ang pagiging baÂÂgong CEO ni Leiweke ng Maple Leaf Sports and EnÂtertainment na nangangasiwa sa Raptors, sa Maple Leafs ng NFL at sa Toronto FC ng Major League Soccer.
Dating hinawakan ni Leiweke ang kumpanyang nagÂpapatakbo sa Los Angeles Kings at sa Los Angeles GaÂlaxy.
Matapos ang dalawang taon na pagiging retirado, sinasabing gustong bumalik ni Jackson sa NBA kung saan niya iginiya ang Bulls at Lakers sa pinagsamang 11 NBA Championships.
Sinabi niya sa San Francisco Chronicle na “three or four teams†ang nagpahayag ng interes na kunin ang kanyang serbisyo at “none of it involves coaching.â€