James Yap vs Calvin Abueva

MANILA, Philippines - Tabla na sa 1-all ang best-of-five semifinal series ng San Mig Coffee at Alaska sa Cebuana Lhuillier playoffs ng PBA Commissioner’s Cup.

Pero sa namumuong sidelight na bakbakan at rivalry nina two-time league MVP James Yap ng Mixers at rookie Calvin Abueva ng Alaska, tila 1-all na rin ang estado ng kanilang naka-agaw-eksenang match-up.

Nagsimula ito sa biruan lamang sa Game 1. Binantayan ni Abueva si Yap na parang linta. Pero sa isang bahagi ng laro ay sinabihan umano ni Abueva si Yap ng: “Ang pogi mo pala.” Bahagi malamang ng kanyang psy-war tactics.

Sinagot siya ni Yap: “Sige nga kiss mo ko.” Tinawanan lang nila pareho ang insidente na kitang-kita ng mga ca-mera ng AKTV cove-rage sa telebisyon.

Hindi umepekto ang ginawang taktika ni Abueva sa Game 1 sa dahilang nag-Best Player of the Game pa rin si Yap sa kanyang 10 points at eight rebounds at bagama’t 3-of-14 shooting lamang mula sa field. Malamang dahil sa kanyang ipinakita kahit na namimilipit sa sakit ng kanyang back injury.

Naka-9 points at 11 rebounds naman si Abueva pero nanalo pa rin ang San Mig Coffee 71-69 sa simula ng kanilang serye.

Pero mas pinaigting ni Abueva ang kanyang   pangungulit sa pagdedepensa kay Yap sa Game 2 noong Lunes at nagtagumpay ito. Tinambakan ng Aces ang Mi-xers 86-67 para itabla ang serye sa 1-1.                       

Show comments