Sabillo pinabilib ang marami
MANILA, Philippines - Kahit ang mga dayuhan ay humanga sa ipinakitang husay ni Merlito Sabillo na kinikilala ngayon bilang kampeon sa WBO mini-flyweight division.
Nanguna sa napabilib kay Sabillo ay mismong si WBO president Francisco Valcarcel matapos manaig si Sabillo sa da-ting walang talong Colombian boxer na si Luis dela Rosa sa labang ginanap sa kanyang bansa noong Marso 9.
“Noong nasa Macau ako para sa laban ni (Brian) Viloria ay pinag-uusapan ang nangyaring labanan nina Sabillo at Dela Rosa. Tunay na naging maaksyon ang laban at marami ang napahanga kay Sabillo. Kahit si WBO president Francisco Valcarcel ay nagsabing he will be a great champion,†pagmamalaki ni ALA Promotions Vice President Dennis Cañete na dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate.
Nanalo si Sabillo sa bisa ng 8th round TKO at nasundan ito ng pag-akyat ng dating kampeon na si Moises Fuentes ng Mexico sa light flyweight.
Dahil bakante ang dibisyon, ibinigay ng WBO ang titulo kay Sabillo.
Nasa forum din ang 29-anyos na si Sabillo kasama ang dating boxer na ngayon ay trainer na si Michael Domingo at tiniyak ng ikatlong world champion ng Pilipinas na patutunayan niya na tama ang mataas na ekspektas-yon na ibinabato sa kanya.
“Late bloomer ako dahil 24 na ako noong nag-professional. Pero simula noong pinasok ko ang boxing, alam ko na puwedeng mamatay kami sa ring. Kaya hindi talaga ako nagpapabaya sa training,†wika ni Sabillo na hindi pa natatalo sa 21 laban kasama ang 11 KOs.
Magkakaroon siya ng pagkakataon na maipakita ang kalidad dahil sasalang siya sa voluntary defense sa Hunyo 29.
- Latest