Ganzon, Benedicto nanguna sa Guimaras Mango Man Triathlon

MANILA, Philippines -  Nanguna sina Alexandra Ganzon at Augusto Benedicto sa kani-knailang division sa 2nd Mango Man Triathlon sa Guimaras noong nakaraang Linggo.

Si Ganzon ay nagtala ng tiyempong tatlong oras, 5 minuto at 18 segundo sa women’s race na Olympic-standard triathlon (3-kilometer swim, 40K bike at 10K run) at idinaos kasabay ng 3rd Manggahan Fun Run bilang bahagi ng 20th Manggahan Festival 2013 ng lalawigan.

Si May Antonette Nunez ay puma-ngalawa sa oras na 3:11:42, samantalang si Melissa Jane Jaroda ay pumangatlo sa oras na 3:17:51.

Nanguna naman si Benedicto sa  men’s division sa oras na 2:22:42 kasunod si Franklin Penalosa (2:37:03) at Frank Eche-verria (2:49:15).

Ang koponan nina Chris Rcel Guillergan, Oliver Portillano at Jero Jaro ang nanalo sa triathlon relay sa oras na 2:18:03 kasunod ang team nina Jude Dejilla, RJ Fuentes at Romulo Balinas (2:22:57) at grupo nina Paul Dela Rama, Timogen Manayon at Douglas Mwiti (2:24:30).

 

Show comments