^

PM Sports

NLEX, Fruitas nag-uunahan

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Umani ng magkahiwalay na panalo ang NLEX at Fruitas para painitin pa ang tagisan para sa awtomatikong puwesto sa semifinals sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Blue Eagle Gym sa Katipunan, Quezon City.

Ibinagsak ni Byron Villarias ang lahat ng kanyang 12 puntos sa second half para pasiklabin ang nanga-ngalit na opensa ng Road Warriors tungo sa paglista ng ikaanim na sunod na panalo sa walong laro sa 81-73 tagumpay sa Blackwater Sports.

“Maganda ang execution namin pero depensa din ang nagpanalo sa amin dahil target namin na limitahan sila sa 80 puntos,” wika ni assistant coach Adonis Tierra na humalili sa puwesto ni head coach Boyet Fernandez na nasa US kasama ang San Beda para sa pagsasanay.

May 17-puntos si Garvo Lanete habang nagsanib sina Nico Salva, Kevin Alas at Eric Camson sa 39 puntos upang wakasan ang limang sunod na panalo ng Elite na bumaba sa 7-2 karta.

Kinuha naman ng Shakers ang ikaanim na panalo sa siyam na laban nang padapain ang Hog’s Breath, 70-53, para makasama ang NLEX at Blackwater na naghahabol sa unang dalawang puwesto sa pagtatapos ng eliminasyon.

May 21 puntos si Carlo Lastimosa habang 13 at 12 ang ibinigay ng iba pang guards na sina Pong Escobal at Anjo Caram para katampukan ang tagumpay ng Shakers na nagsosolo ngayon sa ikatlong puwesto.

Gumana ang mga inaasahang manlalaro ng EA Regens para kunin ang ikalimang panalo sa walong laro sa 88-82 tagumpay sa Informatics sa ikatlong laro. Naghatid ng 27 puntos at 10 rebounds si Ian Sangalang.

 

ADONIS TIERRA

ANJO CARAM

BLACKWATER SPORTS

BLUE EAGLE GYM

BOYET FERNANDEZ

BYRON VILLARIAS

CARLO LASTIMOSA

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

ERIC CAMSON

GARVO LANETE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with