MANILA, Philippines - Nanatiling mabangis ang tracksters ng Western Visayas habang nilulunod naman ng National Capital Region ang oposisyon sa pool events sa pagpapatuloy ng 2013 Palarong Pambansa sa Dumaguete City, Negros Oriental.
Namuno sa Region VI sa athletics na ginagawa sa Gov. Mariano Perdices Memorial Stadium ang 13-an-yos na si Angelica de Josef na binura ang 18-taong record sa secondary girls 800m na 2:18.3 na ginawa ni Dely Condes noong 1995 nang makapagtala ang runner na nasa unang taon sa secondary ng 2:17.2 oras.
Hindi naman nakaka-bigla ang ginawa ng tubong Aklan na si De Josef dahil noong nakaraang taon sa Lingayen, Pangasinan, habang kumakampanya sa elementary division ay nagsumite na siya ng bilis na 2:18.8 na siya ring record ngayon sa dibisyon.
“Nagsanay po talaga ako,†ani De Josef na inaasahang magkakamal ng insentibo sa LGU ng Iloilo tulad ng nangyari noong nakaraang taon nang tumanggap siya ng P30,000.00 pabuya na ibinili ng pamil-ya ng motorsiklo.
Sinungkit naman ni Christopher Lirazan ang kanyang ikalawang ginto sa 400m run sa naitalang 49.7 tiyempo para mapabilang sa dumaraming multi-gold medalist ng Western Visayas sa athletics. Napanalunan ang 100m dash, pupuntiryahin ngayon ni Lirazan ang makilala bilang Sprint King.