MANILA, Philippines - Sasalang sa knockout game ang NCAA chamÂpion Perpetual Help at CESAFI titlist University of San Carlos-Cebu sa pagÂpapatuloy ng Shakey’s V-League Season 10 First ConÂference ngayong haÂpon sa The Arena sa San Juan City.
Ang mananalo sa laÂrong itinakda sa alas-2 ng haÂpon ang maÂkakasama ng walang talong National University, Adamson at ArelÂlano sa quarterfinal round sa Group B.
May 0-2 karta ang LaÂdy Altas, habang 0-3 ang baraha ng Lady Warriors.
Huling laro ng PerpeÂtual ay laban sa AdamÂson sa Linggo, pero waÂlang sayÂsay na ito kung maÂtataÂlo sila sa Cebuano team daÂÂhil ang ‘winner-over-the-other’ rule ang gaÂÂgamitin paÂra basagin saÂkaling magÂkaÂroon ng two-way tie paÂra sa ikaÂapat at huling puÂwesto na aabante sa ligang inorÂganisa ng Sports ViÂsion kaÂtuwang ang ShaÂkey’s.
Ang UST at Letran ang magtutuos sa tampok na laro sa alas-4 ng haÂpon at no-bearing na ito daÂhil talsik na ang Lady Knights sa palarong may ayuda ng Accel at Mikasa.
Ang tinamong 17-25, 25-23, 23-25, 23-25, pagÂkatalo sa San Sebastian noÂong Martes ng hapon ang ikatlong sunod na kaÂbiguan ng Letran na nagsilbing tiket para mamahiÂnga na.
Sakaling talunin nila ang UST (2-1), makakatabla ng Letran ang mataÂtaÂlo sa pagitan ng Lady Stags at La Salle DasmaÂriÂñas na maglalaban sa LingÂgo.