LOS ANGELES -- TuÂmipa si Chris Paul ng isang running jumper sa naÂtitirang 0.1 segundo paÂra itakas ang Los Angeles Clippers sa 93-91 panalo laÂban sa Memphis Grizzlies at iposte ang 2-0 abante sa kanilang first-round playoff series.
Hinintay pa ng Clippers at Grizzlies ang opisÂyal na desisyon ng mga reÂferees bago lisanin ang court.
Naglista si Paul ng 24 points at 9 assists, habang nagdagdag si Blake GrifÂfin ng 21 points at 8 reÂbounds kasunod ang 15 points ni Jamal Crawford.
Natalo si Crawford kay J.R. Smith ng New York Knicks para sa NBA Sixth Man of the Year award.
Ang dunk ni Marc Gasol ang nagtabla sa Grizzlies sa 91-91 sa natitirang 13 segundo.
Nilusutan naman ni Paul ang depensa ni Tony AlÂlen para sa kanyang game-winner.
Sa New York, binaÂwian ng Chicago Bulls ang Brooklyn Nets mula sa kanilang 90-82 panalo sa Game 2 para itabla sa 1-1 ang kanilang playoff seÂries.
Naglista si Carlos BoÂozer ng 13 points at 12 reÂbounds, habang nag-amÂbag si Luol Deng ng 15 points at 10 boards para sa Bulls, hindi pa rin nagagamit si Derrick Rose.