Lady Patriots asam ang q’finals

MANILA, Philippines - Sisikapin ng La Salle-Dasmariñas na masikwat ang puwesto sa quarterfinal round sa pagbangga sa wala pang talong Ate­neo sa Sha­key’s V-League Season 10 First Con­ference ngayon sa The Arena sa San Juan Ci­ty.

Nasa ikatlong puwes­to ang Lady Patriots sa 1-1 karta at kailangan nilang maipanalo ang isa sa dalawang laro para uma­bante sa Group A.

Ang labanan ay hahataw sa alas-4 ng hapon at ang huling laro ng La Salle-Dasma ay kontra sa San Sebastian College.

Mabigat ang laban na susuungin ng tropang pi­namumunuan ni Jennifer Manzano dahil ang Lady Eagles na siyang two-time champion ay hindi pa natatalo  matapos ang tat­long laro.

Sina Alyssa Valdez, Ra­chel Ann Daquis, Fille Cainglet at Jem Ferrer ang muling magtutulung-tu­long para makumpleto ang sweep.

 

Show comments