MANILA, Philippines - Nilimitahan ng Meralco ang defending champion San Mig Coffee sa dalawang free throws sa huling apat na minuto ng laro patungo sa isang 88-85 panalo na nagbigay sa Bolts ng 1-0 na bentahe sa kanilang best-of-three quarterfinals series para sa PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Pero ayaw maulit ni head coach Ryan Gregorio ang nangyari sa kanila na halos isang taon na ang nakaÂraÂan kung saan nanalo rin ang Bolts, 103-81, kontra sa B-Meg pa noon sa Game 1 ng kanilang best-of-3 quarÂterfinals showdown sa parehong conference na ito kung saan natalo sa sumunod na dalawang laro ang Meralco at nasibak.
“We just want to be more intelligent come Sunday. We’ve been in this situation before. We were up one game against them too. At this point there’s no reason for us to celebrate. It takes two wins to win a best-of-3 series,†pahayag ni Gregorio matapos ang panalong pinamunuan ng 25 puntos, 18 rebounds, 4 assists at 2 steals ni import Eric Dawson.
Hindi nakaiskor ng fieldgoal sa huling 4:46 minuto ang Meralco pero naging sapat na ang apat na free throws ni Dawson at dalawang krusyal na defensive rebounds sa endgame para maipreserba ang panalo na naglapit sa Bolts sa kanilang kauna-unahang Final Four appearance mula nang pumasok sa PBA dalawang seasons na ang nakaraan.
Tanging ang dalawang free throws ni import Denzel Bowles ang naiskor ng Mixers sa huling apat na minuto, bahagi ng kanyang game-high 37 points.
“There were anxious moments for us especially at the start when we couldn’t stop Denzel Bowles but luckily for us in the end we were able to make the neÂcesÂsary stops, make the crucial free throws. The challenge against San Mig Coffee really is to make them bleed for their baskets. That’s exactly what we did in toÂnight’s game,†paliwanag ni Gregorio.
Lumamang ng umabot sa 26-14 ang San Mig Coffee sa first quarter.
Pero sa second period ay nagtala ng tig-walong punÂtos sina Dawson, Ronjay Buenafe at rookie Vic MaÂnuel kung kaya’t halos dinoble ng Meralco ang iskor ng Mixers 31-17 para makabalik sa laro at agawin ang isang 47-43 na bentahe sa halftime.
Sasamantalahin naman ng Alaska at Rain or Shine ang kani-kanilang mga ‘twice-to-beat’ advantage para makauna sa Final 4 kontra sa Air21 at Barangay Ginebra, ayon sa pagkakasunod, sa MOA Arena ngayon.
Makakaharap ng No. 1 seed Aces ang No. 8-ranked ExÂpress sa alas-5:45 ng hapon, habang lalabanan ng No. 2 seed Elasto Painters ang No. 7 Kings sa alas-8 ng gabi.
Meralco 88 - Dawson 25, Buenafe 13, Salvacion 13, Manuel 8, Cardona 8, Ross 7, Hugnatan 6, Hodge 4, Reyes 3, Artadi 1.
San Mig Coffee 85 - Bowles 37, Mallari 12, Simon 9, Yap 8, Pingris 7, Barroca 6, Devance 6, Gaco 0, Najorda 0, Reavis 0, De Ocampo 0.
Quarterscores: 16-26, 47-43, 70-66, 88-85.