BAGUIO CITY, Philippines --- Bago pa man simulan ang 2013 Le Tour de Filipinas ay sinabi na ni American Vinyl coach Renato Dolosa na ang Tabriz Petrochemical Team ng Iran ang siyang babandera sa nasabing four-day event.
At hindi nga nagkamali si Dolosa, isang two-time Tour champion.
Inangkin ng Tabriz ang individual at team overall crown kasabay ng kabiguan ni Filipino Jonipher ‘Baler’ Ravina ng 7-Eleven Roadbike Philippines na maidepensa ang kanyang titulo sa pagtatapos ng kompetisyon kahapon dito sa Burnham Park.
Kinuha ni Ghader Iranagh Mizbani ang individual award mula sa kanyang naipong 16 oras, 38 minuto at 37 segundo at naglista ng tiyempong 4:30:08 sa Stage Four na may distansyang 132.7 kilometro para ipagkait ang stage win kay South Korean Lee Ki Suk ng CCN na siyang nanalo sa unang tatlong stage.
Hindi na natapos ni Lee ang Stage Four matapos bumangga sa steel railings sa 92.5 kms sa Ambuclao at nahulog sa 20 talampakang bangin. Mabuti na lamang at nakahawak siya sa mga talahib at natulu-ngan ni Moto Commissaire Marvin Adrid.
Nakapasok sa Top 10 sina Filipino riders Mac Galedo (No.5-4:38:11) ng 7-Eleven Roadbike, Irish Valenzuela (No.6-4:42:44) ng American Vinyl, Joel Calderon (No.7-4:42:44) ng Philippine Navy Standard Insurance, Ravina (No.8-4:42:44) at Ronnel Hualda (No.10-4:42:54) ng 7-Eleven Roadbike.
Ayon sa 38-anyos na si Mizbani, isinuot din ang green (stage winner) at purple jersey (Sprinter of the Day), ang Bayombong-Baguio City route ang isa sa pinakamahirap na kanyang dinanaan.
“It is a very difficult course, a really, really professional course,†sabi ni Mizbani sa nasabing ruta na may tatlong matatayog na ahon at ilang matutulis na palusong. “In Asia I think this is one of the most difficult route.â€
Nagposte ang Tabriz ng oras na 50:08:49 para angkinin ang team overall title kasunod ang 7-Ele-ven Roadbike (50:51:25) at CNN (50:52:22).
Aminado naman ang tubong Asingan, Panga-sinan na si Ravina na lubhang malakas ang Tabriz.
“Talagang mas mataas ang level nila kumpara sa atin,†sabi ng 31-anyos na si Ravina sa mga Iranian cyclists. “Tsaka mas ma-lakas itong isinali nilang team kasi last year mga bata lang eh.â€
Walang Pinoy rider na nanalo ng anumang stage.
Muntik nang manalo ang 19-anyos na si Rustom Lim ng LBC-MVPSF Cycling Filipinas na ipinaubaya ang Stage 3 kay Sohrabi ng Tabriz.