Collins magbibitiw bilang coach ng 76ers sa susunod na season

PHILADELPHIA -- Sinabi ni Doug Collins sa Philadelphia 76ers na magbibitiw na siya bilang  head coach sa susunod na season bagamat may isang taon pang natitira sa kanyang kontrata.

 Ibinunyag ng dalawang sources sa The Associa-ted Press ang sitwasyon kung saan sinabi na ni Collins sa may-ari na balak na niyang umalis.

Gayunpaman ay wala pang opisyal na pahayag ang Sixers, maging si Collins ngunit ayon sa source, sinabi ng management na gusto nilang bumalik si Collins at walang pumupuwersa sa kanyang magbitiw.

Hindi pa alam kung mananatili si Collins na mayroon pang $4.5 million sa huling taon ng kanyang kontrata sa prangkisa.

Nakatakda nang bumaba sa kanyang puwesto si team president Rod Thorn matapos ang season. At may posibilidad na si Collins ang pumalit sa kanya.

Bumagsak ang koponan sapul nang kunin si Andrew Bynum sa pamamagitan ng trade.

Show comments