Kumpleto na ang cast ng quarterfinals

MANILA, Philippines - May isang playdate na lamang ang natitira sa eliminations ng PBA Commissioner’s Cup, kumpleto na ang walong koponang aabante sa playoffs pero hindi ibig sabihin na no-bearing na ang mga laban.

Sa Biyernes ay simula na ng quarterfinals kung saan mauuna ang dalawang best-of-3 series.

Sa Sabado naman ng dalawang iba pang quarterfinal pairings kung saan may twice-to-beat advantage ang No. 1  na Alaska at No. 2 na Rain or Shine laban sa No. 8 na Air21 at No. 7 na koponang mala-laman pagkatapos pa ng mga laro bukas.

Sigurado nang nasa best-of-3 quarterfinals ang San Mig Coffee, Talk ‘N Text at Petron Blaze.

Pagkatapos din ng mga laro bukas ay mala-laman kung sino ang kani-kanilang mga makakaharap.

Pero tatlo sa natitirang apat na scenarios ay magre-resulta ng paghaharap ng Boosters at Tropang Texters sa isang best-of-3 quarterfinals. Hindi lang ito mangyayari kapag tinalo ng Rain or Shine ang Meralco at mananalo ang Petron sa TNT. Sa ganitong scenario ay Brgy. Ginebra ang makakaharap ng Petron sa isang best-of-3 at San Mig Coffee kontra sa  Talk ‘N Text sa kabilang best-of-3.

Isang lugar na lamang sa best-of-3 quarterfinal ang pinaglalabanan ng Barangay Ginebra at Meralco na nakasalalay sa laro ng Bolts bukas kontra sa Elasto Painters.

Kapag nanalo Bolts, sila ang aakyat sa best-of-3 quarterfinals laban sa Mixers at magkakaroon ng twice-to-win disadvantage ang Kings laban sa Rain or Shine.

Kapag natalo ang Meralco, sila ang haharap sa RoS na may twice-to-win disadvantage at ang Kings naman ang nasa best-of-3 kalaban ng Petron (kung mananalo sa TNT sa second game) o San Mig Coffee (kung TNT ang mananalo sa Petron).

Ito ay dahil No. 1 team vs No. 8, No. 2 vs. No. 7, No. 3 vs No. 6 at No. 4 vs No. 5 ang mga quarterfinal pairings base sa rules.                              

Show comments