May angas na si Trillo

May napatunayan na kahit papaano si coach Lui-gi Trillo sa kanyang unang tatlong komperensyang paghawak ng koponang Alaska Aces.

Mula sa ninth place sa 2012 Governors Cup, lumundag ang Alaska sa pang-lima sa pagtatapos ng 2012-13 Philippine Cup eliminations at ngayon ay nangunguna sa elims ng kasalukuyang Commissioner’s Cup.

Ngunit sinabi agad ni Trillo na wala pa silang dapat na ipagbunyi.

“No. 1 doesn’t mean anything. It just gives you twice-to-beat advantage. You still need to win to make it to the Top Four,” ani Trillo.

 â€œOn a good note, No. 1 means we’re growing,” dagdag ng batang bench tactician na naluklok sa kasalukuyang posisyon matapos tumalon si coach Tim Cone sa San Mig Coffee at matapos ang dalawang pangit na tournaments ng Alaska sa ilalim ni coach Joel Banal.

 Sinabi ni Trillo na napunan nila ang ilang panga-ngailangan sa kanilang lineup kaya nakaarangkada na sila sa Philippine Cup at sa kasalukuyang mid-season tourney.

 Sina Jayvee Casio and Calvin Abueva ang dalawang bigating off-season acquisitions ng Aces.

 â€œWe’ve got the pieces together, and it helps a lot that there’s the presence of our hands-on boss Mr. Wilfred Uytengsu,” saad ni Trillo.

 Sinungkit ng Alaska ang top spot sa Commissioner’s Cup elimination round matapos nitong pataubin ang Barangay Ginebra, 102-93, noong Miyerkules.

 Maituturing itong achievement ng batang Alaska coach na bago ito ay tinatawanan pa rin ng iba dahil sa kanyang saladsad na record bilang Adamson Falcons coach sa UAAP.

 Ang mga nakapaligid sa kanya sa Alaska ang nagpapatunay na may tahid na si Trillo sa coaching.

***

Sa huling linggo ng Commissioner’s Cup elimination round, paglalabanan ang No. 2 to No. 8 seedings sa playoffs.

 Laban ang Rain or Shine (8-4) at Petron (7-5) para sa No. 2 at bakbakan naman para sa huling tatlong slots sa quarterfinals ang Meralco (6-6), Talk n Text (6-6), Air21 (5-8) at Barako Bull (4-8).

 

Show comments