^

PM Sports

San Mig pasok na rin sa quarterfinals

FMangonon III - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi ininda ng San Mig Coffee ang pagiging scoreless ng kanilang leading local scorer dahil sa trangkaso at ang pagkakaroon ng injury ng kanilang leading local rebounder para makaganti sa Air21, 80-66 at sungkitin ang panglimang quarterfinals berth sa PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Naitala pa rin ng Mixers ang pangpitong panalo nito sa 13 laro sa conference para samahan ang Alaska, Rain or Shine, Barangay Ginebra at Petron Blaze sa eight-team quarterfinals.

Ito ang pang-anim na sunod na pagtapak sa playoffs ng San Mig Coffee at pang-17 sa huling 18 conferences at naging malaking dahilan nito ang 29 puntos, 16 rebounds at dalawang assists nina Denzel Bowles at 14 puntos at 14 rebounds ni Marc Pingris bago lumabas dahil sa isang ankle sprain, may 8:26 pa ang natitira sa laro.

Naabot pa rin ng Mixers ang pitong panalo para makalusot sa quarterfinals bagama’t hindi naka-iskor si James Yap na 0-of-6 mula sa field sa kanyang 14 minutong inilaro. Nag-average ng 14.7 ppg sa conference bago ang laro, ito ang kauna-unahang pagkakaton na bokya ang two-time MVP mula noong July 7 ng nakaarang taon dahil sa back spasms sa 2012 Governors Cup semifinals ngunit naipanalo din ng kanyang koponan ang laro, 94-91 laban sa  Talk ‘N Text.

Ilang araw na raw na masama ang pakiramdam ni Yap at pinilit lamang daw nitong maglaro kontra sa Air21, ayon kay San Mig Coffee head coach Tim Cone.

Bagama’t nakakuha ng 26 puntos mula kay KG Canaleta at 18 puntos at 17 rebounds mula kay Michael Dunigan, natalo pa rin sa pangatlong sunod na laro ang Air21 at bumaba sa 5-8 karta, kalahating laro lamang ang angat sa Barako Bull (4-8) sa kanilang namumuong karera para sa pang-walo at huling lugar sa quarterfinals.

Kinakailangan ng Express na manalo sa huling laro nila laban sa Petron Blaze sa Sabado sa MOA Arena at umasang hindi makaka-sweep sa huling dalawang laro ang Energy Cola para maikasa ang isang playoff para sa huling quarterfinals berth.

 

vuukle comment

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

DENZEL BOWLES

ENERGY COLA

GOVERNORS CUP

JAMES YAP

LARO

MARC PINGRIS

PETRON BLAZE

SAN MIG COFFEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with