Utah Jazz sasandigan si Favors sa playoffs

SALT LAKE CITY -- Naalala ni Tyrone Corbin nang dumating si Derrick Favors sa Salt Lake City bi­lang bahagi ng trade para kay Deron Williams dalawang taon na ang nakalilipas.

Ngayon ay kumpiyansa ang Jazz head coach kay Fa­vors para sa kanilang tsansa sa NBA Playoff.

Nagbida ang 6-foot-10 na si Favors sa 97-90 road victory ng Utah laban sa Golden State kamakalawa.

Ang kabiguan naman ng Los Angeles Lakers sa Clip­pers ang nagbigay sa Jazz ng huling playoff spot sa Western Conference.

Kung magtatala ang Jazz ng 3-1 record sa kanilang huling mga laro kontra sa Oklahoma City, Minnesota  at Memphis, kailangan naman ng Lakers na manaig sa limang laban dahil hawak ng Utah ang tiebreaker.

“There’s no pressure. We know what we got to do, win these games,” wika ni Favors.

Takot na player ang nakita ni Corbin sa unang pagsusuot ni Favors ng Jazz uniform noong 2011.

“He was a scared 19-year-old man that was surprised he got traded and didn’t know what to think of it, what to think of us, or where to go next,” ani Corbin kay Favors matapos ang February 2011 deal sa New Jersey Nets.

 

Show comments