La Salle-Dasmariñas nagwagi; USCC natalo vs Ateneo

MANILA, Philippines - Magkaibang kapa­laran ang sinapit ng dalawang baguhang koponan na La Salle-Dasmariñas at University of San Car­los-Cebu sa 10th season ng Shakey’s V-League First Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nakita ang husay ng mga imports ng Lady Patriots na sina Jennifer Man­zano at Chie Saet nang maghatid ng magandang numero patungo sa 25-14, 25-21, 25-21 panalo sa Letran sa Group A sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s Pizza.

May 14 attack points at tig-dalawang blocks at service aces si Manzano tungo sa kanyang 18 puntos, habang ang nagbabalik na si Saet ay may 8 puntos.

May 9 hits si Justine Na­vidad, kasama ang tat­long blocks, habang si­na Monique Tionco at Cher­ry Rose Nunag ay nagsanib ng 9 puntos para sa Lady Patriots.

Hindi naman kinaya ng CESAFI cham­pion Lady Warriors ang mas ma­bigat na laro ng beteranong Adamson na kinuha ang 25-13, 25-22, 25-21 pa­nalo sa ikalawang laro.

Show comments