^

PM Sports

Unang stakes win ng Crusis

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kinuha ng kabayong Crucis ang unang stakes win sa taon nang manalo sa Dr. A.P. Rayes Stakes Race noong Linggo sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Si Jeff Zarate ang sumakay sa nasabing kabayo na hinarap ang mabigat na hamon na hatid ng Azkal at Next Big Thing at mapalawig din ang pagpapanalo sa tatlong sunod mula sa buwan ng Marso.

Ang panalo ay tumabon din sa panghihiya na inabot ng kabayo sa Azkal noong naglaban ang dalawa sa Leo Prieto I Stakes Race noong Pebrero 9 sa nasabing karerahan.

Ang Azkal ang nanalo sa nasabing stakes race habang pumangatlo lamang ang Crucis sa karerang inilagay sa 1,700-metro.

Sa pagkakataong ito, ang karera ay  ginawa sa mas mahabang 1,800-metro at  sapat ang lakas na natira sa kabayo upang  mapanatili ang isang dipang layo sa nakalaban  na hinawakan ni Rodeo Fernandez.

Unang lumayo ang Big Daddy’s Dream, bago hinabol ng Azkal at Next Big Thing na hawak ni Fernando Raquel Jr.

Nasa malayong pang-apat ang Crucis nang simulang pag-initin ito ni Zarate at pagpasok sa kalagitnaan ng karera ay nakasabay ang Azkal na inagaw ang liderato.

Ginawang 3-horse race ng Next Big Thing ang karera papasok sa rekta pero ubos na ang nasabing kabayo para dumating  bilang ikatlong puwesto.

Binitbit ng winning connections ng Crucis ang P300,000.00 gantimpala mula sa P500,000.00 prem-yo na inilaan ng nagtaguyod na Philippine Racing Commission (Philracom).

Halagang P112,000.00 ang naiuwi ng Azkal bago naibulsa ng Next Big Thing ang P112,500.00. Ang Big Daddy’s Dream ang pumang-apat para kunin ang P62,500.00 premyo.

ANG AZKAL

ANG BIG DADDY

AZKAL

BIG DADDY

DR. A

FERNANDO RAQUEL JR.

LEO PRIETO I STAKES RACE

NEXT BIG THING

PHILIPPINE RACING COMMISSION

RAYES STAKES RACE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with