Bernard King hihirangin sa Basketball Hall of Fame

NEW YORK --- Nakatakdang iluklok si Bernard King sa Naismith Memorial Basketball Hall of Fame Class of 2013, ayon sa mga ulat.

Isang official announcement ang gagawin sa Lu­nes sa Final Four sa Atlanta.

“He deserves it,” sabi ni New York Knicks forward Carmelo Anthony sa ESPN New York. “It’s about time. He deserved it a long time ago.”

Kabilang si King sa starting line-up ng Knicks sa kanyang 15-year NBA career.

Sina King at Anthony lamang ang tanging mga  Knicks players na umiskor ng 40 o higit pang puntos sa tatlong sunod na laro.

Nagtala si King, anim na beses na nabigyan ng no­minasyon para sa Hall of Fame, ng average na 22.5 points para sa kanyang career.

Apat na seasons naglaro ang four-time All-Star sa Knicks.

Pinangunahan niya ang liga sa scoring mula sa kan­yang 32.9 points per game noong 1984-85.

Una siyang naglaro para sa New Jersey Nets no­ong 1977 bago kumampanya para sa Utah Jazz, Gol­den State Warriors at Washington Bullets.

Tinapos niya ang kanyang career sa New Jersey no­ong 1993.

Ang Class of 2013 ay kinabibilangan din nina Louisville coach Rick Pitino, dating UNLV coach Jerry Tarkanian, nine-time NBA All-Star Gary Payton, dating Houston coach Guy Lewis at dating NBA and Olympic star Spencer Haywood.

Ang induction ceremonies ay nakatakda sa Set­yembre.

 

Show comments