NEW YORK - Tumipa si Carmelo Anthony ng 41 points para pantayan ang franchise record sa kanyang ikatlong sunod na 40-point game matapos igiya ang New York sa 101-83 panalo kontra sa Milwaukee Bucks nitong Biyernes ng gabi.
Ito ang ika-11 dikit na panalo ng Knicks.
Dinuplika ni Anthony, umiskor ng 50 at 40 points sa kanyang huling dalawang laro, ang 1984-1985 record ni Bernard King. Pinantayan din ng New York ang kanilang ikatlong pinakamahabang winning streak sa franchise history.
Nagdagdag si J.R. Smith ng 30 points para sa Knicks, umarangkada sa third quarter matapos ang matamlay na first half sa gabing pinarangalan nila ang 1972-73 NBA championship team.
Tumipa naman si Brandon Jennings ng 25 points para sa Bucks kasunod ang 18 ni JJ Reddick.
Matapos umiskor ng 36 points sa first half at naiwanan ng Bucks ng 9 points, nag-init ang Knicks sa pamamagitan ng pag-iskor ng 42 points sa third quarter.
Humugot si Anthony ng 18 points sa naturang yugto, habang isinara naman ito ni Jason Kidd mula sa kanyang 59-foot shot sa pagtunog ng buzzer.
Sa Los Angeles, nagposte si Kobe Bryant ng 24 points at 9 assists, habang nagdagdag ng 19 points si Pau Gasol para tulungan ang Los Angeles Lakers sa 86-84 pagtakas laban sa Memphis Grizzlies.
Ang ikatlong sunod na panalo ng Lakers ang nagpalakas sa kanilang tsansa para sa No. 8 seat sa Western Conference Playoffs. Nagsalpak si Dwight HoÂward ng isang free throw sa huling 4.1 segundo para sa Lakers kasunod ang kanÂyang depensa sa tirada ni Mike Conley para sa huling pagÂtatangka ng Grizzlies.