MANILA, Philippines - Idinagdag ng NCAA ang women’s badminton bilang regular sport sa kanilang sporting calendar para sa Season 89 na magbubukas sa Hunyo 22.
Ito ang inihayag ni dating league president Tamerlane Lana, OP, ng Season 88 host Letran sa formal turnover cere-mony kay president Bro. Dennis Magbanua, FSC, ng College of St. Benilde kamakailan.
“Women’s badminton will be played as a regular sport starting in Season 89,†wika ni Lana.
Ang pagkakadagdag sa women’s badminton ang nagpalobo sa bilang ng mga sports sa seniors’ division sa bilang na 18 kasama rito ang men’s badminton, women’s swimming at soft tennis na inilista bilang mga re-gular sport sa Season 88.
Ang iba pang sports ay ang basketball, men’s and women’s indoor volleyball, chess, lawn tennis, football, men’s swimming, men’s at women’s table tennis, men’s at women’s taekwondo, track and field at men’s at women’s beach volleyball.
Ang cheerleading competition ay isang NCAA sport ngunit hindi kasama sa pagbibilang sa overall championship.
Ang men’s badminton ay pinagharian ng Emilio Aguinaldo, habang ang soft tennis at women’s swimming ay pinamahalaan ng St. Benilde nang ituring itong mga regular discipline sa nakaraang season.