2oth Guimaras Manggahan Festival

MANILA, Philippines - Ang 20th Guimaras Manggahan Festival (Abril 8-21) ay inaasa-hang mas masaya at kapa-na-panabik sa pagtatampok ng 2nd Mango Man Triathlon,  3rd Manggahan Fun Run at 1st National darts tournament.

Ang triathlon, gaganapin sa Abril 13 sa Raymen Beach sa Alubihod, Nueva Valencia, ay gagamit ng Olympic standard (3k swim, 40k bike, 10k run) sa solo at relay ca-tegories tulad ng ginawa sa Camsur.

Ang fun run ay gaganapin sa Abril 13 sa Provincial Capitol grounds kasabay ng 2nd Mango Man Triathlon.

Ang National darts competition ay itatanghal sa Abril 19 sa GTIC Hall.

Sina Gov. Felipe Hilan Nava, M.D. ang magpapaputok ng baril bilang hudyat sa pagsisimula ng fun run samantalang si Pyr Jimenez, race director, ang magpapaputok din ng baril sa pagsisi-mula ng triathlon.

Amg mga tumutulong na ahensya ay Phi-lippine National Police, Philippine Coast Guard , Philippine Army, Philippine Red Cross, Department of Public Works and Highways, at local govern-ment units. Para sa dagdag na kaalaman, tumawag sa 09279628645.

 

Show comments