MANILA, Philippines - Bubuksan ng back-to-back champion na Ateneo Lady Eagles at ng six-time champion University of Santo Tomas ang aksiyon sa 10th Shakey’s V-League First Conference bukas sa The Arena sa San Juan City.
Ang Lady Eagles ay may intact line-up na pinalakas ng dalawang dating star players ng liga na sina Rachel Anne Daquis at Leal Patno-ngon habang magbabalik sa liga sina MVP Aiza Maizo at Rhea Dimaculangan upang pamunuan ang kampanya ng Tigresses sa premier wo-men’s volleyball tournament ng bansa.
Magsasagupa naman sa isa pang laban ang National University, kumuha sa top high school standout na si Jaja Santiago at dating San Sebastian ace na si Rubie de Leon, at ang baguhang Arellano University.
“We were thinking of giving the fans something to look forward to as we celebrate our 10th season,†sabi ni Moying Martelino, chairman ng nag-organisang Sports Vision. “We feel that our opening day games will set the tone for this year’s title chase – tight, fierce and down-to-the-wire.â€
Sampung koponan ang maglalaban-laban na hinati sa dalawang grupo. Ang top-4 teams sa bawat grupo ay uusad sa quarterfinals pagkatapos ng single-round elims kaya mahalaga ang bawat laro.
Ang walong teams na pumasok sa quarterfinals ay hahatiin sa dalawang grupo at dadaan sa single round kung saan ang top two teams sa bawat grupo ay magsasagupa sa crossover semis.
Kasama sa Group A ang Ateneo, UST, San Sebastian, Letran at La Salle-Dasmariñas at nasa Group B ang Perpetual, National U, Adamson, Arellano at USC.
Ang Chiefs ay kinokonsiderang contender ng ligang sponsored ng Shakey’s Pizza katulong ang Mikasa at Accel, matapos kunin sina MVPs Mary Jean Balse at Nerissa Bautista.
Magde-debut naman ang two-time champion na Adamson sa Martes kontra sa top Visayan team na University of San Carlos-Cebu habang ang Letran na pangu-ngunahan nina Thai ace Patcharee Sangmuang at Melissa Ogana, ay sasagupa sa isa pang bagitong team ng liga na De La Salle-Dasmariñas.
Magde-debut naman ang San Sebastian, da-ting two-time champion na pinalakas ng kanilang resident import na si Jeng Bualee at dating MVP Sue Roces sa April 11 kontra sa Ateneo.