Amsterdam bumalik sa porma para maghari sa Handicap Race (8)

MANILA, Philippines - Bumalik ang dating ma­tikas na kondisyon ng Amsterdam para mapasa­ya ang mga dehadistang tu­mangkilik sa karera no­ong Sabado sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Si jockey RL Lagrata ang hinete muli ng nasabing kabayo na lumahok sa isang Handicap Race (8) karibal ang 13 katung­gali na nagsukatan sa 1,300-metrong distansya.

Bukod sa maraming ka­laban, napalaban pa ang Amsterdam sa kondisyon ding Tucker’s Diamond na galing sa panalo, pang-apat at pangalawang puwestong pagtatapos sa hu­ling tatlong karera sa bu­wan ng Marso.

Ngunit handa sa laban ang Amsterdam na ba­gama't nanalo noong Marso 15 ay tumapos lamang sa ika-limang puwesto sa huling laban noong Marso 20 na ginawa sa Metro Turf Club Inc.

Ang hindi inaasahang pa­nalo ay naghatid ng ma­gandang dibidendo na pu­malo sa P72.00 sa win para maging pinakadehadong kabayo na nanalo sa 11  karerang pinaglaba­nan.

Halagang P223.00 ang ipinasok ng mga nanalo sa husay ng Amsterdam at Tucker’s Diamond sa 2-4 forecast.

Ang mga hindi gaa­nong napaborang mga ka­bayo ang kuminang sa pag­babalik ng pista matapos ang dalawang araw na pamamahinga nang gu­nitain ng sambayanan ang Huwebes Santo at Biyernes Santo.

Ang Honour Class na tumakbo kasama ang Flying Honour ang nagpasi­mula sa pamamayagpag ng mga dehadista nang ma­nalo ang kabayo sa race one.

Pumangalawa ang Bu­ko Maxx at ang tamba­lang 8-6 ay nagkahalaga ng P285.00 sa forecast ma­tapos ang P52.00 dibidendo sa win.

Nakabawi naman si Fer­­nando Raquel Jr. sa hin­di magandang pagdiskarte sa Angat Ang Pinoy matapos manalo ang tambalan sa race 10 sa 1,300m karera.

Pumang-apat ang tambalan noong Mar­so 16 sa isang class division 5 race, ngunit ibayong takbo ang nakita sa kabayo nang manalo sa Chief Joesan.

Pumalo ang win sa P49.50, habang ang forecast na 4-5 ay nasa P470.00 dibidendo.

Show comments