^

PM Sports

Bakers, Superchargers target ang ikatlong panalo; Delta asam ang pangalawang sunod na ratsada

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mag-uunahan ang Big Chill at ang Café France sa paghablot ng ikatlong pa­nalo sa pagbabalik ng PBA D-League Foundation Cup sa The Arena sa San Juan City.

Unang laro sa triple-header game ang na­sa­bing bakbakan na mag­si­simula sa ganap na alas-12 ng tanghali at ang Ba­kers ay magbabalak na kunin ang ikatlong sunod na panalo matapos matalo sa unang laro laban sa Blackwater Sports, 80-83.

“Maganda ang simula. Pero galing sa bakasyon ang team at maaaring wa­la sa tamang focus. Sa­na ay hindi ganito ang mangyari,” wika ni Café France coach Edgar Maca­raya.

Kailangang maging handa ang kanyang bataan laban sa Superchar­gers.

Galing ang tropa ni head coach Robert Sison sa 82-60 pagdurog sa Boracay Rum para agad na makabangon mula sa 63-69 pagkatalo sa baguhang Hogs Breath.

Bumalik na rin si Terrence Romeo para bigyan ng direksyon uli ang takbo ng koponan na tiyak na makakatulong sa kampanya ng koponan.

Pipilitin naman ng ba­guhang EA Regen Med na makuha ang ikala­wang sunod na panalo sa pag­bangga sa Boracay Rum sa ikalawang la­­ro sa alas-2 ng hapon, ha­bang ang ikalawang dikit na tagumpay matapos ang tatlong laban ang na­ka­umang sa Cagayan Valley sa pakikipagtuos sa Jum­bo Plastic sa pangat­long laban sa alas-4.

vuukle comment

BIG CHILL

BLACKWATER SPORTS

BORACAY RUM

CAGAYAN VALLEY

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

EDGAR MACA

HOGS BREATH

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with