MANILA, Philippines - Bago pa man magsiÂmula ang lumalakas na ingay mula sa PBA fans paÂra ipangalan sa yumaong si Bobby Parks ang Best Import trophy ng liÂga, naipangako na pala ito ni PBA Commissioner Chito Salud sa kanyang pag-upo tatlong taon na ang nakaraan sa kanilang unang pagkikita.
Isasakatuparan na ito ni Salud para sa kasalukuyang 2013 PBA Commissioner’s Cup kung saan ihaÂhandog ang kauna-unaÂhang Bobby Parks TroÂphy para sa mananalo ng Best Import award sa Game 3 ng bets-of-five chamÂpionship series.
Yumao ang seven-time PBA Best Import noong Sabado dahil sa lung cancer sa edad na 51-anyos.
“Very apt, very approÂpriate especially now a days that we’re looking for an import who not onÂly plays well on court but also plays as a role moÂdel off court. On and off court decorum nobody does it better than Bobby Parks,†ani Salud.
“Parks is the perfect example of how an import should conduct himself off and on the court. I commiserate with the faÂmily of Mr. Bobby Parks. He will be missed, and thank you for all is contriÂbutions to the PBA,†dagdag ni Salud.
Naglaro noong 1987-1999, hinirang si Parks bilang Best Import ng pitong beses.