Matapos maghari sa AFC Challenge Cup Group E Qualifiers Azkals preparado sa main draw
MANILA, Philippines - Handa na ang Pilipinas para harapin ang mas maÂlalaking hamon sa laÂrong football.
Ito ang binigkas ni team manager Dan PalaÂmi matapos kunin ng AzÂkals ang 1-0 panalo laban sa Turkmenistan para pagÂharian ang 2014 AFC Challenge Cup Group E Qualifiers na idinaos sa RiÂzal Memorial Football Stadium.
“This is the first set. The next step is the main draw and we hope to conÂtinue the momentum beaÂting the runners-up last time. Beating them at home is the biggest thing for us,†wika ni Palami.
Ito ang unang pagkakataon sa tatlong paghaharap na nanalo ang Pilipinas sa Turkmenistan at ibinaon din sa limot ng Azkals ang 1-2 kabiguan sa Turkmen sa semifinals noong 2012 Challenge Cup sa Nepal.
Tinapos ng Azkals ang kompetisyon bitbit ang 3-0 karta at 12 goal difÂference upang umabante sa ikalawang sunod na pagkakataon sa Challenge Cup na gagawin sa MalÂdives.
Walong bansa ang kaÂÂsali bukod sa NatioÂnals at host Maldives, magÂlaÂlaÂro rin ang TurkmeÂnistan, Bangladesh, AfÂghanistan, Myanmar, PaÂlestine at Kyrgyzstan.
Ipinapalagay na magiging paborito ang Azkals dahil sa dominanteng laro na ipinakita sa naÂtapos na kompetisyon, baÂgay na ayaw itanim sa isiÂpan ni Palami.
“We always try to keep our expectations low, but certainly, we will still be the underdog,†paÂhaÂyag nito.
Pero hindi na makakaÂtiyak ang mga makakalaÂban ng panalo dahil duÂmaÂting na ang Azkals sa puntong kayang talunin ang kahit na anong bansa ang makaharap.
“I think we are at a leÂvel where we can actualÂly say we will always have that fighting chance to win the game. We have that good chance of maÂking that giant leap to the Asian Cup,†pahabol ni PaÂlami.
Ang naglarong kopoÂnan ang itinuturing bilang pinakamabangis na footÂball team na nabuo sa bansa dahil nagkasama ang mga batikang Fil-FoÂreigners sa paÂmumuno niÂna Stephan Schrock, RoÂÂland Muller, DenÂnis CaÂÂgara at baguhang si Javier Patiño.
- Latest