Esguerra, Abalos balikatan
MANILA, Philippines - Balikatan ang labanan nina Herminio Esguerra at Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos sa panguÂnguna sa hanay ng mga horse owners matapos ang buwan ng Pebrero.
Angat si Esguerra peÂro hindi nalalayo si AbaÂlos na tila senyales na maÂgandang tagisan ng dalawang nirerespetong horse owÂners para sa taong kaÂsalukuyan.
Balansiyado ang puwesto na nakuha ng mga inilahok na ni Esguerra matapos makapagtala ng 16 panalo, 14 segundo, 4 tersero at 5 kuwarto puwesto para magkamal ng P2,301,118.24 na kita sa unang dalawang buwan.
Sinasandalan naman ni Abalos, ang nanalong Horse Owner of the Year noong 2012, ang tikas na ipiÂnakita ng Hagdang BaÂÂto at El Libertador paÂÂra makakubra ng P2,279,213.09 premyo sa piÂtong panalo, tatlong terÂsero at isang kuwarto puwestong pagtatapos.
Nasa ikatlong puwesto naman si Aristeo PuÂyat at pinamumunuan ang siyam na may-ari ng kaÂbayo na kumabig ng mahigit P1 milyong kita.
May 11 panalo, 7 segundo, 14 tersero at 12 kuÂwarto puwesto ang mga panlaban ni Puyat paÂtungo sa P1,691,237.00 na kinita.
Nasa ikaapat na puwesto si HS Aguilos sa P1,497,852.59 premyo muÂla sa 10 panalo, 11 seÂgundo, 9 tersero at 7 kuÂwarto puwesto, habang si JA Lapus ang nÂasa ika-limang puwesto sa P1,495,887.66 mula sa limang panalo, 12 segundo, 14 tersero at 10 kuÂwarto puwesto.
Si HL Neri ang nasa ikaÂanim na puwesto bitbit ang premyong P1,487,392.32, si Norberto Morales ang nasa ikapito sa P1,479,016.21, si LM NaÂval ang nasa ikawalo sa P1,282,342.39, si FO VerÂgara ang nasa ikasiyam sa P1,188,885.81, naÂsa pang-sampu si ER Tan sa P1,163,368.70 at ang ika-siyam na horse owner ay ang Jade Bros. Freight sa P1,091,594.84.
- Latest