MANILA, Philippines - Hindi ito magiging madaling laban para kay WBO/WBA flyweight champion Brian Viloria sa kanyang pagtataya ng suot na unified titles laban kay Juan Francisco Estrada ng Mexico sa kanilang 12-round bout sa Venetian Hotel and Casino sa Macau sa Abril 6.
Ngunit sinabi ni Viloria na handa siyang makipagsabayan kay Estrada.
“I see Estrada as a pressure fighter,†wika ni Viloria sa kanyang email sa The Star. “I need to fight him smart and fight my fight. He fights similar to a Tyson Marquez and Giovani Segura, a toe-to-toe fighter.â€
Tinalo ni Viloria si Segura sa eighth round sa Ynares Sports Arena noong 2011 at pinigil si Marquez sa 10th round sa Los Angeles noong Nobyembre.
Parehong nakipagbakbakan ang dalawang Mexican warriors kay Viloria.
Gagamitin ng 32-an-yos na si Viloria ang kanyang eksperyensa para talunin ang 22-anyos na si Estrada.
Bagama’t natalo si Estrada kay WBA lightflyweight titlist Roman (Chocolatito) Gonzalez, hindi pa rin puwedeng maliitin ang challenger.
“We were all impressed with Estrada who gave Gonzalez all he could take in an extremely competitive contest,†sabi ng Los Angeles manager ni Viloria na si Gary Gittelsohn.
Tangan ni Estrada ang 22-2 record, kasama ang 18 KOs at ang kanyang dalawang talo ay mula kina Gonzales at Juan Carlos Sanchez, Jr.