White gusto nang maglaro para sa Rockets

HOUSTON -- Sinabi ni Houston rookie Royce White sa kanyang Twitter na babalik siya sa Houston mula sa payo ng isang team doctor.

At ang kanyang paglalaro sa developmental league team na Rio Grande Valley ay inaasahang matatapos.

Ayon sa first-round pick ng Houston, dapat na siyang magbalik sa Rockets.

“Have been advised by our team physician it is most logical I be in Houston the remainder of the season. Thank you (at)rgvvipers for having me,” wika ni White sa kanyang Twitter account.

Si White ay mayroong anxiety disorder na siyang dahilan kung bakit hindi siya nakakapaglaro sa Houston ngayong season.

Siya ay kasama pa rin sa Rio Grande Valley Vipers roster.

 

Show comments